Hail to Hailord Lavarias: His Thomasian Education and His Love For Poetry

For the 21-year old Hailord Lavarias from Capas, Tarlac who just recently won the Rector’s Literary Award (RLA) at the 36th Gawad Ustetika for his piece “Umiiral: Mga Tula,” literary success is not only confined to these praises and recognitions.

“Higit sa dami ng parangal, o sa dami ng isinulat o nailimbag, ang tagumpay ay nasusukat sa kung paanong nangusap ang iyong mga isinulat sa mga mambabasa. Kung nagawa mong may maiparamdam sa kanila, kahit sa ilang segundo o minuto lamang, maituturing na itong tagumpay.”

Writing poems is good for the soul. Well-known poets can attest to that. They also share that it is really therapeutic. But for Hailord, fondly called as “Hail” by his friends, his love for poetry was actually something he didn’t expect to happen.


“Nagsimula yung pagtatangka ko bilang isang 'writer' noong natanggap ako sa high school student publication namin which is Vignettes. Nag-umpisa ako sa pagsusulat ng Features, tapos nalipat ako sa Literary section. Doon talaga tumatak sa akin na gusto kong magsulat," Hail mentioned.


“Hindi ko rin alam kung ano ba talagang nag-trigger sa akin sa pagsusulat ng mga tula. Parang isang araw, ginusto ko na lang siyang subukan. Hanggang sa napansin kong kaya ko pa lang matuto, at mas pagbutihin pa ang pagsulat ko ng mga tula,” he added.


As a young kid, writing poems was not a dream at all. It was more of an interest for Hail. He also shared that he had a notebook where he writes all of his poems from ‘common topics’ to poems about the environment which actually helped him grow his love for poetry.


“Kapag nababasa ko yung mga gawa ko noon, kahit may kaunting cringe factor, may sense of nostalgia akong nararamdaman kasi doon ako nagsimula, at doon ako unang natuto,” Lavarias said.


When he entered college at the University of Sto. Tomas as a Communication Arts student, his love for poems flourished. Opportunities came and little did he know, on his third year in UST, he will become the literary writer of “Varsitarian”, the official student publication of their university.


“Dahil sa Varsitarian, nabigyan ako ng chance to meet and learn from the country’s most distinguished writers. Nagkaroon ako ng pagkakataong matutunan ang basic journalism principles at naging daan din ito upang mabasa ng mas nakararami ang mga naisusulat ko. Higit sa lahat, mas natuto ako sa mga kapwa ko staffer, dahil na rin sa pagbabasa ng mga gawa nila,” Lavarias shared.


Hailord Lavarias became a familiar name in thd university. With all the accolades that he received at a very young age-- from winning the most coveted RLA, first place in “Tula” at the 36th and 35th Gawad Ustetika, working as a writer of “Peksman”, an independent short film that made to the First Time Filmmaker Sessions 2020, and graduating Magna Cum Laude in 2019, Hail remains humble and eager to learn more.


“Aaminin ko, napakadalang lang nung mga pagkakataon na hindi ko binabalikan yung mga nasulat ko na. Madalas, paulit-ulit kong binabasa at iniisip ko paano ito pwedeng maisulat pa ng mas maganda,” Lavarias said.


At present, Hailord is studying law at University of Sto Tomas Faculty of Civil Law but even if poetry is quite far from the legal profession he is planning to pursue, he will never stop from writing poems. In fact, publishing his own poetry book is still one of his biggest dreams.


So while we are all waiting for his first book, The Film Dream is lucky to share with its readers, Hailord’s favorite poem he has ever written.



TILA

Hailord Lavarias


Inabutan na tayo ng ulan.


Batid ko ito dahil unti-unti

nang nagsisilaglagan

ang mga patak sa bintana

ng iyong sasakyan.

Maliban doon, napilitan ka

na ring paganahin

ang panghawi ng tubig

sa harapang salamin.


Ngunit higit sa lamig na dala

ng ulan sa mainit na hapon,

mas dama ang katotohanang ito na

ang huling pagkakataong

makakasabay kita.


Hindi napapawi ng tugtog

sa radyo ang katahimikang

nasa pagitan nating dalawa.


Habang binabagtas mo ang kalsada,

nasa isip ko:


Hindi ka pa handang mang-iwan.

Ang ibig sabihin: hindi ko alam.


Dumaan ang ilang minuto,

pagkatapos ng kaunting pag-usad,

napigilan ka ng pagkasaid ng oras

upang magpatuloy.


Napilitan kang huminto,

upang masaksihan

ang pagtila ng lahat

maliban sa ulan.




Do you want to know the reason why this is his favorite among all of his poems? Are you aspiring to grow your love for poetry? You better not miss his next feature “Hailord Lavarias: Quick Tips in Poetry writing and More!”


Subscribe below or sign-in as site member here at thefilmdream.com


341 views